sa gitna ng lahat ng kaggagguhang nangyayari sa bansa natin ngayon, (tama yun, dalawang double-g, itinaas ko pa ang level ng kagaguhang ginagawa natin sa sarili natin para mas malutong...) isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit patuloy tayong nagpapakan-... teka, masyadong masakit at bulgar pag tinagalog...
---a big reason why we're still allowing these evil people to sodomize us in our collective asses is this---
takot tayo masyado magmukhang tanga para magsalita.
ok, let's agree on one thing first, ok? pagdating sa bagay na 'to, there are no ifs and buts about it: ANG TANGA NATING LAHAT.
ok? ok.
we're all equally culpable for everything that has happened because we slept on it. ninanakawan na tayo nang harap-harapan at ilang beses na tayong nagsususpetsa e pinabayaan pa rin nating maglipana itong mga walang kaluluwang mga 'to.
to summarize: bago mag-umpisa ang termino ni GMA, 2 trillion pesos na ang utang ng pilipinas, mula kay cory, eddie at erap combined, dahil nga nakan-- yeah, yeah, we got sodomized in our collective asses--- by apo marcos.
nung nagsulat ako last year sa blog ko e 4 trillion pesos na yun. 4 million-million pesos. you do the math. sa ikli ng 'paninilbihan' ni GMA; yes, your precious GMA; nadoble ang utang ng pilipinas mula 1986. from 2002 to 2008? 2 trillion?
2 MILLION-MILLION PESOS?
ako e hindi nakapagbayad ng buo sa credit card bill ko, 100,000 pesos yung natira. pagdating ng sunod na bill, nagbayad ako ng 3,500 na interes.
3,500. sa isang buwan. isang buwang kuryente, o isang buwang gatas ng sanggol. i'm sure naiintindihan ako ng mga kababayan nating nagpapakahirap magbayad ng utility bills o nagtatrabaho para sa mga anak nila kung ano ang katumbas ng 3,500 pesos sa isang buwan na interes dahil di ako nakabayad ng buong bill sa citibank.
paano nga kino-compute ang interes pag 4 trillion pesos ang utang mo?
huy, ang utang ng pilipinas, e utang nating lahat, ha? tayo ang nagbabayad nun. yun yung 12% na VAT tuwing kumakain ka sa labas, o nagpapagasolina ka, o bumibili ka ng mga rekutitos mo sa araw-araw mong pamumuhay sa pilipinas. di mo matatakasan yung pagbabayad nun, kasi mga anak at mga apo naman natin magbabayad nun sa habampanahon, hanggang uso pa ang pera.
sige nga, paki-compute naman, o, gusto ko talagang malaman kung paano nagko-compound ang interes 'nun. paki-email ako sa epoyz2men@yahoo.com o decado@sbcglobal.net.
ayan. naiintindihan nyo na kung bakit ang tanga natin? inalis natin nun si erap, at bago yun si marcos, dahil ninanakawan tayo... tapos, ang ipinalit natin, e mas malufet na magnanakaw pa pala. nasan kamo ang proof ko?
yan naman, mas malaking tanga ka pa talaga sa 'kin kung yan ang ibabalik mo sa king tanong. please. stop embarassing yourself.
so ayan, ha? nagkasundo na tayo. lahat tayo, bar none, walang exemption, walang saling ket-ket, tanga tayong lahat pagdating sa usapang problema ng pilipinas. puta, tatanggi ka pa, e wala ka namang ginagawa para magbantay sa kaban (o sakong butas) ng bayan.
so no amount of debating or gesticulating or claiming to be smarter than the next person can absolve you of your accountability. ako nga, ang dahilan ko, wala kasi akong alam at interes jan sa politika. pero di pa rin ako lusot. hindi komo tatanga-tanga ako sa bagay na yan e wala na akong responsibilidad sa mga magiging anak ko.
e ayan na nga, puta, nagkahulihan na, ayan na lahat ng ebidensya, hindi lang ito the proverbial 'when there's smoke, there's fire' na kagaguhan...'when there's fire, there's fire' na 'to, huy!! may whistle-blower na nga o, tangina naman, di pa tayo natatauhan? ano pa ba ang dapat mangyari?
to summarize uli:
sa unang part ng post na itech, 4 trillion pesos pa lang ang pinag-uusapan natin. ngayon, nadagdagan ng 329 million DOLLARS. ay puta nakalimutan ko pa yung sa fertilizer scam saka yung computerized polling system scam. magkano na nga lahat yun? saka na nga lang natin kwentahin yun pag babayaran na natin. paki-email po ako ng computation,ha?
ha?
ang di ko maintindihan e bakit nawawala pa rin natin ang focus. puta, andaming dahilan. ngayon ang dahilan natin e si jun lozada.
nung nakikinig ako ng speech niya sa radyo, at aaminin ko sa inyo, di ko alam ang itsura nitong tao na 'to, di ko rin siya kilala masyado at kung ano ang istorya nya. wala akong cable mula january dahil kalilipat ko lang sa isang liblib na lugar sa EDSA cor. Quezon Avenue. nagbabasa lang ako ng diyaryo habang traffic, yung mga headline sa mga naglalako. konting news sa internet, yun na yun. so di ko alam ang buong istorya, hokey? ang alam ko lang, may star witness sa nakawan sa pilipinas. para bang si chavit noon.
wala akong pakialam kung nanggugulo ba siya, o nagpapagamit siya sa oposisyon, o kung tumanggap ba siya ng pera o kung ano man ang dahilan para mainis tayo sa kanya. di lang mangilan-ngilang beses ko naririnig na asar sila kay jun lozada, kahit di sila pro-GMA, ha, kasi para nga daw masyado magpaawa-effect.
narinig ko ang speech niya sa AM radio nung friday, sabi ko, oonga, masyado namang magpaawa 'tong tao na to. pinagtangkaan lang naman siyang patayin sa airport saka binuking mga involvement nya sa lagayan at mga kabit nya in-expose, e, akala mo kung sino nang inaapi...
pero nilagpasan ko ang pagkainis ko sa style nya at narinig ko din yung isang sinabi niya. di ko pa alam syempre kung totoo, pero kinilabutan ako habang nagda-drive pauwi. ayon kay lozada, last year ang inutang daw ng gobyerno para sa mga proyektong gaya niyang zte-nbn e 1.8 BILLION DOLLARS. ang ichinuchuchu niya daw e 329 MILLION DOLLARS lang.
PATAY NA NAMAN TAYO JAN!!!
magkano uli ang interes ng 329 million dollars kada buwan?
so eto na naman tayo. may star witness. may whistle-blower mula sa loob. may tumetestigo na opo, ninanakawan tayo. merong witness. may nakawan, may witness. may nakawan, may witness. may nakawan, may witness.
may nakawan, may witness.
para sa iba sa 'tin, si jun lozada ay isang bayani. sa iba sa'tin, nanggugulo lang daw siya at nagpapaawa. siguro daw gumaganti at may di nakuha. parang si chavit noon. sabi ng ibang mga kaibigan ko, mukhang tanga siya at mukhang nagpapaawa at naggugulo lang...
ha?
may nakawan, may witness. huy.
wala akong pakialam kung ano ang motibo ni jun lozada sa ngayon, o kung ano man ang nagtulak sa kanya para tumestigo laban sa mga magnanakaw. kung kasingsama siya ng mga taong isinusumbong niya, wala na kong pakialam dun. i don't give a flying fuck.
pero di ba totoo naman ang isinusumbong niya? ano ang malabo dun? e si GMA nga mismo umamin na tungkol dun sa kontrata, e. naman.
Ha-Ler, Garci. Ha-Le-er?
eto naman ang isa pang ibabato sa 'kin, kahit ng mga kababayan nating anti-GMA...
sige, kung totoo nga ang sinasabi ni jun lozada, at totoo ngang ninakawan tayo, at kailangan parusahan ang mga may sala at mag-resign si GMA, ano na ang gagawin natin? sino ang ipapalit natin? at agresibo pa sila itanong yan, ha? na parang ang tanga mo naman para i-suggest na ibakante ang poste ng presidente, na di tayo mabubuhay nang di si tita glow ang nakaluklok sa pwesto.
ha?
so mas ok sa 'yo na hintayin hanggang 2010 yung kasalukuyang nakaupo, kasi "matatapos na din naman term 'nyan, e, wag na nating guluhin ang takbo ng pilipinas...ok na naman, e..."
HA?
magkano uli ang interes ng 2 trillion pesos (nung ibinenta tayo sa mga amerikano) plus 329 million dollars saka 1.471 billion dollars (nung ibinenta naman tayo sa mga intsik) sa isang buwan? e sa 24 months? yun e kung ia-assume natin na wala nang moves na gagawin itong si gloria para di siya bumaba sa 2010, ha? chachacha.
e bakit natin pagtatalunan agad yung isang problema,e may isang problema na dito na kailangan ang buong atensyon natin? kaya nga divided pa rin ang bansa, e, kasi sa mga ganyang banat.
kagabi e kumakain akong kasama ang ibang mga pinakamalalapit kong kaibigan, at napunta ang usapan kay jun lozada. walo kami sa lamesa. dalawa sa amin ang nagbigay ng opinyon nila kay jun lozada. nagpapaawa daw, masama din daw na tao, nagpapagamit lang sa oposisyon, nanggugulo, etchetchetch. at siyempre, the inevitable "e kung magre-resign si gma, sino naman ang ipapalit mo? aalis na rin naman yan sa 2010, e."
ang nakakahiya dun, e yumuko lang ako. di ko rin alam, ano ba, ayaw ko bang saktan ang damdamin ng mga kaibigan ko, o ayaw ko lang ng komprontasyon dahil ang sarap ng kain ko ng lechong kawali, o sa isip ko wala din namang mararating kung mag-debate kami dun... pero alam ko, anim kami, dalawa lang sila, alam kong kontra kaming anim sa sinabi nila. pero wala sa aming pumengol. let's move on with our dinner, shall we? saka to be honest, wala din naman akong konkretong sagot kung ok nga talaga si jun lozada, e, di ko pa nga siya nakikita. o kung sino man ang ipapalit ko pag bumaba si glorya. magastos din at magulo ang snap election. wala din namang kasiguruhan na ang susunod na presidente e hahanguin tayo sa lusak. for some reason e ayaw talaga nila kay kabayan. ako din naman e.
nakakahiya man aminin sa inyo, sa inyong limang nagbabasa ng blog ko, natakot akong magmukhang tanga sa harap ng pito kong kaibigan, and i chose to 'move on'...yun nga lang, nahirapan akong makatulog kagabi.
pero ito nga ang problema ko. yung sangkatutak na utang natin, sino na ang magbabayad? sigurado mararamdaman pa rin ng mga kaapu-apuhan ko yan. ang di ko lang mapaniwalaan, e yung dalawang kaibigan namin na naiirita sa zte issue, e may mga maliliit na mga anak. ako nga na wala pang pamilya, galit na galit na ko sa perang ninanakaw sa kin, perang naka-disguise as VAT o E-VAT on top ng income tax ko. e di ba, kumain kami ng worth 200 pesos kada tao kagabi, 24 pesos nun deretso sa gobyerno, 24 pesos na di mo na makikitang muli kasi na kay abalos na? bawat galaw mo at hugot ng pitaka, para na rin nilang kinukuhanan ng pagkain yung anak mo? nagtataka lang ako kung bakit mas galit pa ko sa kanila, e ipangbibili ko lang ng air jordan 23 sana yung mga tax na ninanakaw sa 'kin. yung ninanakaw sa kanila e para sa mga anak nila 'yun.
eto ang nakikita ko jan: may mga magnanakaw, may pumengol, may tumetestigo laban sa mga magnanakaw, so dapat kailangan nating parusahan. di ba yun muna ang dapat tumigil? yun muna ang dapat pag-isipan? saka na yung ibang problema.
kunwari nasa giyera ka, nasabugan ka ng granada, putol ang paa mo, habang nagpuputukan ba sa paligid mo e poproblemahin mo pa kung makakalaro ka pa uli ng basketball dahil putol na nga ang paa mo? di ba gusto mo muna maka-survive, kailangan mo munang pigilin ang pagdudugo ng naputol mong paa kasi mamamatay ka pag naubusan ka ng dugo, at di mo na makikita uli ang mga mahal mo sa buhay pag todas ka na? you try to get through the day, then feel sorry for yourself later. ito munang problema sa harap mo ang atupagin mo.
wala akong pakialam sa character ni jun lozada. sa lahat ng indikasyon, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo tungkol sa nakawan. o, e di ipakulong natin lahat ng involved. pagkatapos nun e di imbestigahan natin at kamkamin natin lahat ng pera nila na di nila maipaliwanag kung paano nila nakuha. hey, ganun din ang ginagawa nila sa 'tin, di ba? ganun ginawa nila sa character ni denzel washington sa american gangster. kaya nga nila iniimbestigahan kung nagbabayad ng tamang buwis si judy ann santos at richard gomez, e, kasi pag napatunayang shini-shortchange nila ang gobyerno, ang laki ng pananagutan nila. di ba ganun din dapat kina abalos, FGA, mikey at kung sinu-sino pang mandarambong na dumale sa 'tin? di ko nga maintindihan kung paano nakalusot sa plunder case si erap, e. sana kahit papaano ilang milyon din ang nabawi natin sa kanya.
si GMA? kailangan talaga siyang bumaba, kasi di natin magagawa nang maayos yung imbestigasyon habang siya ang pinakamakapangyarihang tao sa bansa natin ngayon.
but again, sino ang ipapalit natin?
sa NBA, pag palpak ang head coach mo, at ang buong season mo ay pretty much down the drain, tinatanggal siya at pinapalitan muna ng "interim coach", usually e assistant coach niya (na di naman kasingtunog ang pangalan, kasi nga assistant lang, e.). yung ipinalit na coach, e hindi inaasahang magsasagawa ng milagro at mapapa-champion yung team, kasi nga pumalpak na yung naunang coach, e. pansamantala muna siya, habang naghahanap ng mas ok na ipapalit, at inaayos ng management lahat ng mga gusot.
tayo ang management, ang mga anak natin ang players, yung assistant coach ng team pilipinas e si noli de castro. wala, e, tayo din naglagay sa kanya jan. pero, interim president nga lang muna siya.
ang di maintindihan ng mga pilipino, e hindi si noli de castro ang magging presidente. TAYONG LAHAT ang magiging presidente. tingin mo, makakaporma pa si noli de castro ng kapalpakan at katiwalian e nakatutok na nga tayo? ang hirap sa 'tin, ang hinahanap nating kapalit e yung tipong ilalagay natin sa pwesto tapos tutulugan na natin, ayos na yan, siya na bahala jan. ano, nangangarap ba tayong maging 1st world country agad kaya di tayo makapamili ng ipapalit natin sa ulupong na presidente natin? repair mode muna tayo, at habang nagre-repair tayo, bantay-bantay na lang. di talaga kaya ni kabayan yan.
o, tapos paano na ang ipapalit kay noli? sigurado andaming manggugulo, andaming kakandidato, may circus na naman. dapat lang, wag nating tanggapin yan kalokohang yan. dapat dalawa lang ang pagpipilian natin. paano natin gagawin yun,e wala naman tayong party system? ang political landscape dito sa pilipinas e parang WWE, yung mga bida nagiging kalaban, yung kalaban nagiging bida. yung akala mo matitino dati e may topak pala pag nagugutom na sa kapangyarihan, o pag nabibigyan na ng pera. tingnan nyo si joker arroyo.
ang katotohanan niyan, e di ko alam ang kasagutan jan. aba, kung ako lang ang aasahan nyo, wala talagang mangyayari sa pilipinas. pero madaming matatalino dito, i'm pretty sure may magbibigay ng ideya na mapagkakasunduan nating lahat, anything but the present administration, ika nga.
kasi, ako, (e ako na nga ito,ha?) on top of my head, may naiisip na ko. pwede sa 'kin lahat ng pilipino kumandidato, tapos salain natin hanggang maging dalawa na lang silang matitira. gumagana nga sa philippine idol at starstruck yang botohan thru text at internet, e, at least mararamdaman na natin agad kung sino napipisil ng sambayanang pilipino. paano masisigurado ang accuracy at integrity ng ganitong system? di pa naman tayo nagbobotohan e. at least, kukunin lang natin yung feel ng pinoy. saan natin kukunin ang pondo? e di bawiin nga natin pera nina abalos at FGA pag nanalo tayo sa imbestigasyon, basta mapatunayang may sala sila. kaya na ng mga abogado ng pilipinas yun, wala naman tayong shortage niyan.dun pa lang madami na tayong magagawa. maraming pera ang pilipinas, puta andami na ngang ninakaw sa 'tin e, may pera pa tayo para sa survey.
o, e di let's say, lahat ng ng pilipino qualified, tingin mo kaya sa ganito ka-wide open na botohan o survey e gagastusan ni erap ang sarili niya para makakuha siya ng online and text votes? kung survey nga yan na di lang anim na kandidato na may makinarya ang kasali, sa elimination process mahihirapan sila pakialaman ng pera at impluwensiya nila. masyadong risky, di sigurado kung mamumuhunan ka, kahit na ba kasingyaman mo si pacquiao.
saka ang comelec ba, credible? naman.
saka tingnan nyo, nung huling eleksyon, nanalo si trillanes against all odds. may boses pa rin ang pinoy, B. kahit tinutuya si trillanes ngayon, pruweba pa rin siya na may lugar pa rin ang unpopular vote. kaya nanalo yan, may mga bumoto jan. so kung gusto nyo talaga maging presidente e si sam milby, kung mananaig siya sa survey, magiging legitimate contender siya.
at sakasaka, don't forget, hindi official itong survey na 'to. at least nga malaman lang natin ang pakiramdam ng bayan. ganito yan... first round of voting 2 weeks. kunin natin ang top 100. botohan uli tayong lahat from among the top 100, kunin natin ang top 20 after 2 weeks. after 2 weeks uli, top 10, dun uli tayo pipili ng top 5. ayan, lumilinaw na. by this time, medyo naayos na natin ang sistema, pero take note, survey pa rin 'to, ha. at least may say pa rin karamihan ng pinoy. sa big brother nga interesado tayo, e, gagana yan... ok so galing sa top 5, seryoso nang botohan, kuha tayo ng top 3. tapos pakakantahin natin sila.
joke lang.
sa top three, makukuha na natin yung dalawang napipisil ng pilipinas. wala pang dalawang buwan yun. o tapos kampanya ng 6 months yung dalawa, official snap elections na galing sa talagang napipisil ng mga tao na mamuno sa bansa. o e di wala nang magulo? in 8 months may bago na tayong presidente. gusto nyo ang matalo automatic na vice president na, e. at least alam natin pag pumaplpak na naman yung isa, yung kapalit e ibinoto din ng nakararami sa tin, hindi diluted vote. at least, kahit nag-umpisa sa american idol style na botohan, mas maganda pa rin kesa guluhin tayo ng magugulo at mapanglitong makinarya ng mga trapo. kung mangibabaw na huling dalawang pilipino e, let's say, si boy abunda at si sonny belmonte, sila talaga ang sigaw ng bayan, di ba? o e di hindi na ganun kagulo yun. mamili ka kay tito boy o kay belmonte kung sino mas type mo.
wag nyo seryosohin yung sinasabi ko, yan ay isa lang naman idea. i'm sure kaya mag-isip ng mga matatalinong kababayan natin ng magandang solusyon.
ang sinasabi ko lang, willing akong i-expose ang sarili ko para sabihin nyong tanga ako sa mga pinagsasasabi ko. pero yun nga, di na ko matatakot magmukhang tanga dahil gusto kong ilabas ang opinyon ko. may mga matatalino tayong mga kababayan na makakaisip ng paraan para mas tama na ang mga gagawin natin pag naayos natin ang gusot na 'to. dapat tumigil na ang kalokohang 'to, dapat magising na tayo. magkaisa naman tayo, mga chong, at least sa adhikain munang managot ang mga maysala sa paggahasa ng bayan natin. maayos natin itong nakawan na 'to, matanggal natin ang tiwaling administrasyon ngayon, unti-unti din nating malulutas yung mga political killings na naitatago nila dahil sila ang nasa puwesto ng kapangyarihan. masubukan man lang mabawi ang mga ninakaw sa 'tin, magagamit natin yun kahit papaano para ayusin ang bayan na iiwanan natin sa mga anak natin. kasi kung di natin inayos ngayon 'yan, wala tayong ipinagkaiba kina abalos, FGA at GMA: ninanakawan lang natin ang bansa natin ng kung anong makukuha natin para sa mga sarili natin ngayon, bahala na magdusa ang susunod na administrasyon, or in this case, mga anak natin.
davah?
“Change will not come if we wait for some other person or if we wait for some other time. We are the ones we’ve been waiting for. We are the change that we seek.”
-Barack Obama
ang taray.
Readying to bury your father and your mother,
what did you think when you lost another?
I used to wonder why did you bother,
distanced from one, blind to the other.
Listen here my sister and my brother
what would you care if you lost the other?
I always wonder why did we bother,
distanced from one, blind to the other.
but sweetness follows
It's these little things, they can pull you under.
Live your life filled with joy and wonder.
I always knew this altogether
was lost in our little lives.
but sweetness follows.
but sweetness follows.
It's these little things, they can pull you under.
Live your life filled with joy and thunder.
Yeah, yeah we were altogether
lost in our little lives.
but sweetness follows.
but sweetness follows.
-"Sweetness Follows", R.E.M. from Automatic For The People
Recent Comments